Usap-usapan sa Internet ang birthday greeting ni Maris Racal kay singer Rico Blanco.
Recently ay nag-upload ang 23-year-old singer-actress ng video kasama ang OPM icon habang magka-duet ng Aqualung’s Brighter Than Sunshine.
Makikita na sweet kinanta ng dalawa ang kanta habang magkatinginan, na tiyak kinakilig ng mga netizen.
“Hi rico. happy birthday,” ang kaswal na caption ni Maris para sa ika-48 birthday nito noong Miyerkules, March 17.
Ilang celebrity at netizens ang nagkomento sa super sweet video at lalong ikinabaliw nang mag-reply si Rico sa post ng “Hahaha love you!”
Nagkatrabaho si Maris at Rico noong 2019 para sa track na ‘Abot Langit.’
Sa Twitter, pinasalamat ng rocker ang lahat ng bumati para sa kanyang birthday.