Maris Racal happily announced that she is a furmom.
Ang kanyang special announcement ay makikita sa kanyang vlog na ni-release recently sa kanyang YouTube channel nitong Biyernes, September 3.
“Guys biglaan lang to lahat…magiging mommy na ako,” sey niya sa video.
“I’m capable of taking care of another living creature, so I’m so ready for this responsibility,” dagdag pa niya.
Sa 12-minute vlog sa bago niyang puppy na corgi, pinakita niya paano niya to alagaan at pinagsho-shopping.
“So ‘yung pangalan niya Shoto..first name niya Vico. So tawag sa’yo Vico Shoto,” joke ni Maris habang pinapakilala ang kanyang furbaby.
Pinaliwanag naman ni Maris na ang pangalan na Shoto ay base sa favorite character niya sa anime series My Hero Academia.
Kasama sa vlog ang unang pagkikita ni Shoto at kanyang boyfriend na si singer-producer Rico Blanco.
“Sobrang natuto talaga ko when it comes to responsibility. Kahit 1 month pa lang siya sa akin sobrang dami kong natutunan,” sey niya.