Nag-cover si Mexican telenovela star Thalia ng ‘Pasumapa-sumpa ka pa’ sa TikTok.
Nakilala si Thalia sa kanyang karakter bilang ‘Marimar’ noong ’90s.
Binahagi nito ang short clip na nagli-lip synched siya ng Tagalog lyrics na may halong mura.
“Love is AMOR in any language,” caption nito sa kanyang post na may hashtags #mabuhay #pasumpasumpa #tagalog #tiktokphilippines #tiktokph.
Mayroon ng 560,000 views, 23,000 likes ang nasabing Pinoy cover ng 48-year-old singer-actress.
Pinagbidahan din nito ang ilan pang popular telenovelas gaya ng Rosalinda, Maria Mercedes and Maria Del Barrio.