Mariel Rodriguez pumalag sa basher

Hindi pinalampas ni celebrity mom Mariel Rodriguez ang comment ng isang netizen na siya’y buntis ulit.

Sa kanyang latest vlog, pinakita ng TV host kung paano sila nag-celebrate sa fifth month birthday ng kanyang second child na si Gabriela, sa gitna ng quarantine.

“Milestones of my kids are always celebrated. With the ECQ, we had to adjust everything but it ended up being more meaningful,” caption ng kanyang vlog.

Sa nasabing video, may isang comment na nakapukaw ng atensyon ni Mariel.

“Buntis uli (si) Mariel hala!” komento ng isang netizen.

Sa Instagram story ito sinagot ni Mariel.

“Hindi ba pwedeng MATABA LANG kailangan ba buntis na agad?”

Sey ni Mariel, wala siyang pakealam kung madagdagan ang kanyang timbang dahil siya ay nagbe-breastfeed.