Marian Rivera nag-ala Nora Aunor sa COVID-19

Nagbigay ng kanilang interpretasyon sina actors Marian Rivera at Dingdong Dants ng iconic scene ng ‘Walang Himala’ na pinagbibidahan noon ni superstar Nora Aunor.

Ang nasabing monologue interpretation ay para sa online fundraising live show ng Lockdown Cinema Club (LCC).

Ang ‘Gabi ng Himala: Mga Awit at Kwento’ ay parangal sa 1982 movie ‘Himala’ na direksyon ni Ishmael Bernal at isinulat ni Ricky Lee.

Sa nasabing livestream, ilang artista ang nagbigay ng kanilang sariling interpretasyon at ang celebrity couple ay inulit ang nasabing eksena sa modernong panahon.

Bilang direktor, pinaliwanag ni Dingdong na ang kanilang reinterpretation ay nagpapakita na si Elsa, ginampanan ni Marian, ay isang healthcare worker sa United States.

Ang nasabing eksena ay inamin nito na mayroon na siya sintomas ng COVID-19.

Nagpasalamat naman si Marian sa pamamagitan ng kanyang Instagram account sa LCC sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na makapag-acting muli habang tumutulong sa mga displaced film workers.