Mismong ang teenstar na si Kisses Delavin ang nagsabing ang Kapuso actress na si Marian Rivera ang naging instrumento ng paglipat niya ng GMA-7 mula sa ABS-CBN.
PSN Latest Chika: Former PBB housemate Kisses Delavin explains why she decided to sign a management contract with Triple A management, which also manages the careers of Kapuso actress Marian Rivera and Eat Bulaga host Maine Mendoza.| via Salve AsisRead: bit.ly/2NR7wwf
Posted by Philippine Star on Friday, 8 November 2019
Sinabi ni Kisses sa panayam kasabay ng pagpirma nya ng contract sa APT Films at Triple A Management kahapon na si Marian ang naging tulay niya sa bagong manager.
Ang manager ni Marian na si Rams David ang siya ring handler ngayon ni Kisses kasama ang isa pang big star ng GMA 7 na si Maine Mendoza.
Ani Kisses nangyari daw ang yayaan moment nang magkasama ang dalawa sa Guillermo Awards.