Masaya sina Marian Rivera at Lovi Poe na sa wakas ay natapos na rin ang kanilang hindi pagkakaunawaan.
Sa isang episode ng Sunday PinaSaya, makikitang nagbebeso at nagyakapan ang dalawa.
“It’s nice because nga when I went to Sunday PinaSaya and we finally got to have that encounter.
We finally had the chance to talk. It was nice, it was really nice…” sey ni Lovi Poe sa premier night ng kanyang movie na “The Annulment.”
Naikuwento naman ni Marian na pagkatapos nilang magkita nasabing show ay nagtext pa ito kay Lovi.
“Sabi ko, happy ako na nakita ko siya. Sabi niya, ganun din. ‘Tapos good luck sa movie niya.”
Nagkaroon ng isnaban isyu si Lovi at Marian na nag-ugat sa away naman ni Marian at Heart Evangelista.