Nag-celebrate sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng kanilang 5th wedding anniversary kasama ang pamilya sa isang resort sa Dapitan, Zamboanga del Norte.
“For as long as we remain solid (like our commitment to cliche poses), we will weather any storm. Happy to be jumping off dangerous cliffs with you for these past 5 years, my love. Lumundag pa tayo, Beybe!,” ang sweet caption ni Dingdong sa picture nila ni Marian.
Nag-post din ng pictures nilang mag-asawa sa beach si Marian na may caption na, “My strength, my joy, my lifeline, my everything! Thank you for all that you are
Happy anniversary Mahal ko.”
Kasama ng mag-asawa ang kanilang anak mga anak na si Zia at Ziggy para i-celebrate din ang natitirang araw ng taon sa beach.