Mariah Carey may bagong Christmas music video

Mariah CareyNaglabas ng bagong music video ang superstar na si Mariah Carey noong Biyernes, Disyembre 20 para sa kanyang iconic song na “All I Want for Christmas is You” sa ika-25 anibersaryo ng nito ngayong taon.

Unang makikita sa video ang isang batang babae na nakatingin sa mga laruan sa isang tindahan, bago mapunta sa isang magical snow world kung saan lahat ng laruan ay may buhay.

First time rin sa #1 spot ng Billboard charts ang kanta matapos i-release ito 25 years ago.