Marcos nganga sa 3 pilot provinces; Robredo angat

Nadagdagan pa ang kalamangan ni Vice President Leni Robredo sa nagprotestang si dating Senador Bongbong Marcos.

Ito ang nakasaad sa dissenting opinion nina Acting Chief Justice Antonio Carpio at Associate Justice Benjamin Caguioa sa poll protest sa pagitan nina Robredo at Marcos.

Alinsunod sa resulta ng recount sa tatlong pilot provinces na pinili ni Marcos, lumobo pa ang lamang ni Robredo sa mahigit 15,000 mula sa 263,473 patungo ng 278,555. Base sa final tally ng Presidential Electoral Tribunal, si Robredo ay nakakuha ng 14,436,325 votes, habang si Marcos naman ay 14,157,770 votes sa kabuuan na 5,415 clustered precinct na isinailalim sa recount at revision.

Sa resolusyon naman ng PET ay binigyan ang dalawang partido ng 20 araw para magkomento sa committee report at memoranda sa third cause of action ni Marcos.