Standing ovation ang tinanggap ng Pinoy singer na si Marcelito Pomoy sa judges ng “America’s Got Talent: The Champions” matapos nitong kantahin ang male at female parts ng “The Prayer”.
Binigyan ng pamosong si Simon Cowell ng perfect 10 ang performance nito.
Nagwagi si Marcelito sa second season ng ‘Pilipinas Got Talent’ noong 2011 sa Abs-Cbn.
Una na ring napansin ni Ellen DeGeneres sa kanyang show ang golden female voice nito noong 2018, kung saan nakita nito ang kanyang idolo na si Celine Dion.