Marcelito Pomoy nag-makeover ng bahay

Sinurpresa ni Marcelito Pomoy ang isang lola sa Quezon province ng isang home makeover.

Sa kanyang vlog, pinakita nito kung paano nila ni-renovate ng kanyang mga kasama ang bahay ni Lola Aurora sa loob lamang ng apat na araw.

Tuwang tuwa si Lola Aurora ng makita nito ang kanyang bagong renovate na bahay na mayroon pang furniture at groceries.

Paliwanag ni Marcelito, sinusuklian lang niya ang biyaya na binigay sa kanya ng Panginoon kaya ginagawa niya ito sa mga nangangailangan.

Si Marcelito ay fourth placer ng America’s Got Talent: The Champions ngayong taon.