Opisyal nang inilabas ang resulta ng katatapos na ‘America’s Got Talent: The Champions.’
Katulad ng inaasahan luhaan ang pambato ng Pilipinas na si Marcelito Pomoy matapos itong ideklarang third runner-up.
Matapos ianunsyo ang mga nanalo ay tinawag sa entablado si Pomoy para magbigay ng mensahe sa kanyang mga tagasuporta.
Pero speechless si Pomoy kaya ang asawa nitong si Joan ang nagbigay ng mensahe.
“Thank you so much for everybody.’ This is a big, big opportunity for him. That’s all. Thank you so much.”
Bagama’t talunan ay nagpahayag ng paghanga sa Pinoy singer si Heidi Klum, isa sa apat na judges.
“Marcelito, I love you so much. You have the most beautiful voice. Actually — the most beautiful voices inside of you. You are a champion. And thank you so much for sharing your talent with all of us,” ani Heidi.
Hinangaan si Pomoy sa grand finals dahil sa kanyang mga performances gaya ng Celine Dion at Peabo Bryson version ng “Beauty and the Beast.”
Tinanghal na kampeon ang Acrobatic dance group V mula sa Mumbai.