Marcelito Pomoy bigo sa ‘America’s Got Talent’

Marcelito Pomoy lost AGTSandaling kasikatan lang ang nakamit ni ‘American Got Talent’ grand finalist Marcelito ‘Pomoy’ Castro.

Ito ay matapos makumpirmang talo na ang ‘Pilipinas Got Talent’ Season 2 winner sa katatapos na ‘AGT’ bago pa lamang ito umuwi ng Pilipinas nakaraang linggo.

Ang pambato umano ni voice coach Simon Cowell na si Boogie Storm ang kampeon sa ‘AGT.’

Ang piyesang ‘ Beauty and the Beast’ ang ipinanlaban sa grand finals ni Pomoy.

Sa lahat ng voice coach ay tanging si Simon ang hindi napabilib ni Pomoy dahil saludo ang ibang mga voice coach gaya nina Howie Mandel at Heidi Klum at sinabing ito na ang pinakabonggang number na ginawa niya.

Nag-standing ovation din ang mga audience at sobrang cheers sa napanood na pagkanta ni Pomoy.

Dahil may nanalo na sa ‘AGT’ lumalabas na pag-uwi pa lamang ng Pinas ni Pomoy ay talunan na siya.

Tape na lamang ang ilang bahagi ng kontes partikular ang pagpili ng grand winner.

Matatandaang sa ilang pahayag ni Pomoy pagdating ng bansa ay madalas nitong mabanggit sa ilang panayam na manalo, matalo ang mahalaga ay nakatungtong siya sa finals.

Base sa mga huling ulat, February 18, 2020 ay 3rd runner-up lamang ang nakamit nito.