Inanunsiyo ni Marc Pingris ang retirement niya sa PBA matapos ang 16-year career, na highlight ay ang ambag niya sa pagkapanalo ng ngayon ay Magnolia Hotshots sa complete season sweet sa tatling conferences pitong taong nakararaan.
Ang 39-year-old ay kilala sa tawag na ‘Pinoy Sakuragi’ na inanunsiyo ang pagreretiro nito Martes sa kanyang social media.
“16 years na din ako sa PBA pero alam ko na ngayon na ang tamang panahon para umpisahan ang bagong chapter ng buhay ko,” saad ni Pingris sa long post niya sa Instagram.
“Coach Tim, it’s because of you that I grew to understand the sport as more than a game. Thank you for giving me the opportunity to become part of history with our 2014 grandslam,” sey ng isa sa Gilas Pilipinas’ heroes noong 2013 FIBA Asia Cup in Manila.
“I am proud to have played the game we both love with you.” Pinasalamat ng basketbolista ang lahat ng tumulong sa kanyang career, at higit sa lahat ang kanyang asawa na si actress-host Danica.
“Thank you for your love. Thank you for all the sacrifices you made for me and our family. Thank you for staying beside me, for pushing me to work harder and never gave up. I love you,” sey niya para sa asawa.
“Higit sa lahat, salamat Lord Go sa pag gabay at sa lahat ng blessings,” dagdag niya.
Tinapos niya ang post with hashtag #pinoysakuragi15signingoff.