Isa sa listahan ng mga magiging ninong sa kasalang Jolo Revilla at Angelica Alita si boxing champ at Senador Manny Pacquiao.
Ito ang kinumpirma ng ina ni Jolo na si Lani Mercado.
Gayunman ay hindi umano makakasipot sa kasal si Pacquiao pero may ipapadala itong proxy.
Ilan pa sa malalaking personalidad na inaasahang bisita sa kasalang Jolo-Angelica na gaganapin sa December 15 sa Pelican Hill sa California ay sina presidential daughter at Mayor Sara Duterte, Cong. Martin Romualdez at dating Sen. Jinggoy Estrada.