Manny Pacquiao mayroon ng wax figure sa Hong Kong

Magkakaroon na ng wax figure ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa Madame Tussauds in Hong Kong. “Masaya ako na maitataas ko muli ang bandera ng Pilipinas sa ganitong paraan.  Madame Tussauds Hong Kong has many personalities including my fellow athletes and excited ako na makatabi ko sila doon,” saad ni Pacquiao.

Inabot ng anim na oras para makuha ang measurements ni Pacquiao para sa wax figure.

Ilalabas ang kanyang wax figure sa susunod na taon.

Ang unang Pinoy na nagkaroon ng wax figure sa pamosong attraction ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.