Manny Pacquiao grumaduate ng college

Noong Disyembre 11, nakapagtapos si Sen. Manny Pacquiao ng kolehiyo sa University of Makati.

Nakuha niya ang kanyang bachelor’s degree na political science sa pamamagitan ng alternative education program.

Manny Pacquiao

Dinaluhan ng kanyang asawa na si Jinkee at panganay na anak na si Jimuel ang seremonya base sa litrato na pinost nito sa kanyang Facebook page.

Nakuha rin ni Pacquiao ang kanyang high school diploma sa pamamagitan ng Alternative Learning System ng Department of Education.