Sagot sa food cravings: Patok na pagkain
Ang lungsod ng Malabon ay kilala bilang food business capital sa Metro Manila.
To satisfy your food cravings, hindi ka na lalayo dahil sa Malabon ay punumpuno na nang kainan. Isa na riyan ang sikat na sikat at orihinal na Nanay’s Pancit Malabon. Sa lambot at lasa ng pansit na ito na sinamahan pa ng seafood, chicharon at itlog, tiyak na solve na solve ang tiyan mo.
Food duo incomplete na maituturing ang pagkain ng Pancit Malabon kung wala ang Hazel’s Puto, ang soft-sponge like cake na may itlog na maalat at keso sa ibabaw. Kung gusto mo naman ng malagkit at matamis na kakanin, doon ka na sa Dolor’s Kakanin na mayroong iba’t ibang sapin-sapin, kutsinta at mini puto.
Dagdag din sa checklist ng mga patok na pagkain ang relyenong bangus kung saan may kasamang gulay ang recipe nito, tiyak na pati mga bata ay magugustuhan ito.
Nariyan din ang patok na putok batok na Judy Ann’s crispy pata mula sa Jamico’s Restaurant, Concepcion bakery’s cake roll na sinamahan ng custard sa loob o mas kilala na pianono, cheese toppings o niyog? Sagot ‘yan ng Arny-Dading’s Peachy Peachy, ang Que Kiam na Chinese-inspired mixture ng pork at gulay rolled and fried in golden brown, syempre ito ay masarap na i-partner with sweet sauce.
Sinong makakamiss sa boneless bangus at bagoong na famous sa Malabon? Hindi lang ito basta boneless dahil ang bangus na ito ay dinedebone mismo ng ating mga kababayan na taga-Malabon.
Sa Malabon din matatagpuan ang iba’t ibang food manufacturing groups kagaya ng Silver Swan, Rufina Patis, Master Siomai, at Reno Liver Spread. Talaga namang pagdating sa food manufacturing ay angat ang Malabon!
Kasaysayan at Kulturang binabalik-balikan
Hilig ng mga Pinoy na balikan ang kasaysayan at bisitahin ang mga sinaunang bahay at simbahan.
Maraming lumang bahay at simbahan ang matatagpuan dito. Isa na riyan ang 400 plus year old na simbahan ng San Bartolome Parish de Malabon. Araw-araw, libo-libong mananampalatayang Kristiyano ang nagsisimba at bumibisita rito. Sa laki at lawak nito, talaga namang mamamangha ka kasabay ng iyong taimtim na pagdarasal. Kada Oktubre ay ginaganap ang Grand Marian Procession sa paligid ng simbahan ng San Bartolome kung saan ipinaparada ang iba’t ibang imahen ng Inang Maria na pagmamay-ari ng iba’t ibang pamilya sa Malabon.
Matatagpuan rin sa Malabon ang isa sa mga lumang bahay ay ang Syjuco mansion na itinayo sa loob ng higit 100 taon na. Kapag ito ay iyong napuntahan, ikaw ay babalik sa panahon ng mga Katipunero. Ang El Casa Katipunero ay isa rin sa nagiging puntahan sa Malabon kung saan dito nagtipon ang mga Katipunero noon. Ang Angel Cacnio Gallery ay bahay na pagmamayari ng sikat na 100 and 200 peso bill designer na si Angel Cacnio. Dito matatagpuan ang iba’t ibang paintings, sculptures at artworks ng kanilang pamilya at iba pang Malabon artists.
Dangal ng taga-Malabon
Taon-taon ay idinadaos ng Kalipunan ng mga Samahan sa Malabon o KASAMA ang Gintong Parangal kung saan binibigyang pagpupugay at parangal ang mga natatanging kabataan at professionals sa larangan ng edukasyon, arts, medicine, at marami pang iba.
Bawat taon ay tila nadadagdagan pa ang mga taga-Malabon na nagbigay karangalan sa kani-kanilang field of expertise. ‘Yong iba pa nga ay successful na talaga sa ibang bansa. At noon lamang nakaraang taon ay pinarangalan ang ating mga kababayan na talaga namang pride of Malabon! Isa-isahin natin ang galing ng mga taga-Malabon:
Binigyan ng mataas na parangal na Dangal ng Malabon si Ronaldo Ventura, residente ng Barangay Tonsuya kung saan siya ay nagtapos ng Fine Arts sa University of Sto. Tomas. Siya rin ang People of the Year 2017 awardee.
Gawad Katangian naman ang ibinigay kina Dr. Francisco Magno na lumaki sa Arellano St., Malabon City at may mahigit 20 years of experience sa research and leadership sa governance, public administration at social development. Siya rin ang President of Local Governance Training and Research Institutes-Philippines Network mula 2016 hanggang 2018 at ang tinaguriang Senior Decentralization Policy Advisor under the local government financing and budget reform technical assistance to the DILG. Iba talaga ang galing ng taga-Malabon, nakakahanga!
Si Roberto Borromeo rin ay pasok sa Gawad Katangian. Siya ay lumaki sa Baranagay Longos at kasalukuyang Presidente at CEO ng Asian Center for Legal Excellence Inc. (ACLEX) at presidente ng FINEX Foundation for Entrepreneurship Inc. (FFEI).
Pinarangalan naman sa ilalim ng Gawad Pagpapahalaga in the field of Fashion and Arts si Edgar Santos.
Siya ay isang Hollywood at international makeup artist. Isa rin siya sa mga key makeup artist sa Beverly Hills at Hollywood.
Ang Gawad Pagpapahalaga in the field of Public Administration ay iginawad kay Evelyn Macam Sevilla na kasalukuyang undersecretary for Finance-Budget and Performance Monitoring ng Department of Education. Isa siyang public financial management practitioner at World Bank’s Public Sector Specialist.
Siya rin ang nagsisilbing spokesperson ng DepEd at 10 taon naglingkod sa Department of Budget and Management.
Ang Gawad Pagpapahalaga in the field of Dental Medicine ay tinanggap ni Dr. Mendelssohn
Manalaysay. Siya ang Dental Department Head ng Medical City, SM North Edsa Annex, Mall of Asia at SM Pampanga, Proprietor of Manalaysay Dental Implant and Surgery Clinic and Manalaysay Dental Clinic, Consultant ng Smile Makeover clinic sa Angeles, Pampanga, at training director ng CEU Dental Alumni Association in Basic Oral Surgery and Dental Implantology Training and Adventist Medical Center.
Pasok sa Gawad Pagpapahalaga in the field of Aesthetics Medicine si Dr. Iris Templora, ang Head Aesthetic Dermatologist Doctor of Templora Dermatologica Clinica. Siya rin ay isang batikang speaker and trainer ng GNV Pharmaceutics, Botulinum Toxin and Fillers Speaker at trainor ng Daewong Pharma.
Siya ay nagtapos ng Bachelor of Science in Biology and Doctor of Medicine sa University of Sto. Tomas.
Ang Gawad Pagpapahalaga in the field of Real Estate Development ay iginawad kay Florentino Dulalia, Jr., isang multi-awarded, prominente, at respetadong estate professional, developer, organizational man, at socio-civic leader. Siya ay nagtagal sa larangan ng business sa loob ng 40 taon at nakatanggap na ng mahigit 270 awards and recognitions. Siya ang National Chairman of the Philippine Federation of Real Estate Service Professionals, Inc. (PFRESPI) at Chairman Emeritus of Business Administration at the
University of the East-Manila.
Kabuhayang swak sa Malabon
Isa ka bang ina ng tahanan na nais magtayo ng sariling kabuhayan? Hindi ka na maiiwan dahil may swak na kabuhayan na patuloy na umaarangkada—‘yan ang Samahang Magbabayong ng mga Nanay sa Potrero (SAMANAPO). Dito lumalahok ang mga kababaihan sa isang livelihood program kung saan sila tinuturuan kung paano gumawa ng bayong gamit ang plehe mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at tinuturuan kung paano mapalago ang produkto sa makabagong paraan ng pagbebenta ng mga
bayong.
Ang pagbabayong ay sinimulan sa Barangay Potrero dahil sa mababa nitong lugar na prone
sa pagbaha. Nais ng lugar na maituro sa mga kababayan nito ang tamang waste management at paggawa ng mga bayong na gawa sa pehe. Ang bayong ay maaring gamitin sa pamimili upang maiwasan na ang paggamit ng plastic na siyang nagiging sanhi ng pagbaha gayun din naman ang paggamit ng mga handicraft materials na de-kalidad at sariling gawa. Maaari mo rin itong gamitin sa pamimili upang iwas
plastik ay masimulan na.
Bukod sa pagiging food and nature lover, sikat din sa pagiging masipag at masigasig sa pagta-trabaho ang mga taga-Malabon. Kilala ang Malabon City sa food processing kagaya ng pagtatanggal ng tinik ng bangus o tilapia (fish deboning) at paggawa ng tinapa at daing (smoked fish).
Ang bangus deboning ay programa ng Soroptimist International of Malabon. Layunin ng programang ito na turuan ang mga kababaihan kung paano mag ‘debone’ o magtanggal ng tinik ng bangus. Ang programang ito para sa mga kababaihan ay walang age limit at open sa lahat ng gustong matuto. Maging sa mga kalalakihan na gustong matuto ay open sa oportunidad na ito.