Inihayag ni Maja Salvador ang kanyang desisyon na magtayo ng kanyang sariling artist management company at personal na hawakan ang kanyang career.
Bilang bagong kabanata sa kanyang buhay, sinabi ng 32-year-old actress na ang paghawak sa sarili niyang career ang best decision niya so far.
“Ako po ay sobrang excited sa bagong yugto ng aking career at makita kung saan ako nito dadalhin. Sa aking pagpapatuloy dito sa industriya, I think the best move for me now is to manage myself.”
At para maisakatuparan ito, kailangan niya magsimula ng sariling talent management comapany.
“At para magawa ko po ito successfully, I put up Crown Artist Management Inc., kasama ang mga tao na malapit sa puso ko.’ Last year ay iniwan na ni Maja ang long-time handler Star magic.
“I’m forever grateful for all the love I’ve been given by my Star Magic family, and the opportunities I’ve been blessed with working with very talented people in the industry.
“Kung sino ako ngayon, I owe to them and ABS-CBN dahil sa kanilang pag gabay at pagtiwala sa aking kakayanan.
“Sa malaking hakbang na ito with my own management company sana tuloy tuloy niyo pa din po akong suportahan in this new journey of mine trying to make other people’s dreams come true as well, tulad na lang ng pagtupad niyo ng sarili kong pangarap. Maraming salamat po.
#CROWN“ Una nang napapanood si Maja sa TV5 noong October 2020 bilang isa sa hosts ng Sunday variety show Sunday Noontime Live.
Balik-telebisyon din siya sa April sa primetime ng TV5 sa teleserye ‘Niña Niño.’