Maja binitbit ni Mr. M sa TV5

Nagpaalam na nga ang Kapamilya star na si Maja Salvador sa kanyang ABS-CBN network .

Ang pamamaalam sa ABS-CBN ay ginawa ni Maja sa kanyang Instagram account.

Nagpasalamat ang aktres sa lahat ng nagmamahal sa kanya at sa ABS-CBN.

Kahit naglipat-bakod dahil sa hindi pagkaka-renew ng prangkisa ng ABS-CBN ay inanod ang aktres sa TV5 para maipagpatuloy ang pagbibigay aliw sa kanyang mga tagahanga.

Ayon sa aktres sasamahan muna nya ang kanyang tatay na si Mr. M o mas kilala bilang si Johnny Manahan na handler ng mga Star Magic talent.