Maine Mendoza, trending sa bagong niyang business

Muling pinatunayan ni Maine Mendoza na siya pa rin ang phenomenal star dahil sa pag-trending ng kanyang “Hugot” TV commercial (TVC) sa isang malaking fastfood chain sa bansa.

Hindi ito ang unang TVC ni Maine sa McDonald’s, na siya ring unang kompanya na nagtiwala sa kanya para maging endorser.

Hindi na rin nakapagtataka kung mayroon na ring sariling branch ng Mcdonald’s si Maine.

Malapit na magbukas ang ikaapat na Mcdonald’s franchise nito sa San Jose Muzon sa November 23.

Ang tatlo pang Mcdonald’s branch na pagmamay-ari ni Maine ay ang Mcdo Sta. Clara, Pulong-Buhangin at Sta. Maria.