ABA, aba at talaga namang level-up ang Eat Bulaga host na si Maine Mendoza ngayong pandemya.
Papaano ba naman, aba’y nakalinya ang dalaga sa mga maglalaban-laban sa Philippines ‘100 sexiest women 2020.’
Hindi ba’t kabog talaga ang datingan ni Maine para makipagtagisan ng alindog.
Tatagal ang botohan para sa Philippines ‘100 sexiest women 2020’ sa Agosto 31.
Pero alam nyo bang ngayon pa lamang ay nasa top 2 na ang EB mainstay.
Ibig sabihin kayang-kaya niya mapanalunan ang titulo sa dami ba naman ng nagmamahal kay Maine.
Nangunguna sa listahan si Nadine Lustre. Pangatlo si Christine Samson, 4th si Sachina Laparan,
5th Ivana Alawi, 6th Lou Yanong, 7th Kathryn Bernardo, 8th Barbie Imperial, 9th Bela Padilla at 10th Catriona Gray.