Maine Mendoza may message kay Sheena Halili sa wedding day

May sweet message si Maine Mendoza sa kanyang ‘Destined To Be Yours’ co-star Sheena Halili nang ikasal ito sa kanyang lawyer boyfriend na si Jeron Manzanero nitong February 23.

Naging close ang dalawa sa nasabing primetime series ng GMA na inere noong 2017.

Maine Mendoza Sheena Halili

“Dinadasal lang natin noon na magka-boyfriend ka, pero ngayon may asawa ka na. Happy for you, always,” ang Instagram story ni Maine para kay Sheena.

Kasamang umattend ni Maine sa kasal ang kanyang boyfriend na si Arjo Atayde.