Maine Mendoza, best comedy actress of the year

Tinanghal na best comedy actress of the year ang tinaguriang ‘Yaya Dub’ na si Maine Mendoza sa katatapos na Guillermo Mendoza Foundation.

Nagpasalamat ang Eat Bulaga host sa tinanggap nitong award at ibinahagi ang tagumpay sa kanyang mga supporters na tumatangkilik sa kanyang mga proyekto.

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Maine ang mga Dabarkads nya sa Eat Bulaga na naging inspiration nya para pagbutihin ang trabaho.

Maliban sa Eat Bulaga ay may regular na show rin si Maine sa GMA-7 ang ‘Daddy’s Gurl.’