Maine, Arjo sapaw sa birthday celeb ni Alden

Isang araw makalipas ang birthday celebration ng heartrob na si Alden Richards ay umeksena ang dati nitong ka-loveteam sa AlDub na si Maine Mendoza.

Ito ay makaraang mag-trending ang ‘Tala’ dance craze kasama ang kanyang real life boyfriend na si Arjo Atayde.

View this post on Instagram

The things i do for you -Arjo Sweet ❤❤❤

A post shared by Maine Mendoza-Arjo Atayde (@arjomaineupdates) on

Inilabas ang video ng magdyowa halos kasunod lang ng birthday at anniversary sa showbiz ni Alden.

Nauna rito ay nagkaroon ng party si Alden sa kanyang restaurant sa Quezon City kung saan ay personal niyang inestima ang kanyang mga bisita.

Hindi masyadong naging maingay ang party na dinaluhan ng kanyang mga kaibigan sa showbiz.

Kasunod ng party ay nagkaroon ng solo concert si Alden sa Enchanted Kingdom bilang pagdiriwang naman ng kanyang ika-10 taong anibersaryo sa showbiz.

Tinaguriang “Roadto10withAlden” ang concert na sinaksihan ng kanyang mga tagahanga na hindi rin gaanong napag-usapan sa showbiz kumpara sa ‘Tala’ dance number ni Maine at Arjo.