Sinugod sa ospital noong Lunes si Zaldy Ampatuan, isa sa mga main suspect sa Maguindanao massacre, at na-diagnosed na may cardiovascular disease, saad ni said Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Chief Insp. Xavier Solda.
Nasa stable condition na umano si Ampatuan.
Nagpakita umano ng senyales ng “stroke” si Ampatuan bago itinakbo sa ospital ayon sa text na ipinadala ni Solda sa GMA News.
Ang Maguindanao massacre ay nangyari noong 2009 kung saan 58 katao ang pinatay, karamihan ay mga journalist na kasama sa convoy ng Mangudadatu clan, na kalaban naman ng mga Ampatuan.