Mag-jowa wagi sa SEA games

Standard Dance SportWagi sina Mark Jayson Gayon at Mary Joy Renigen sa 2019 Southeast Asian Games sa kategorya ng Standard Dancesport.

Humakot ang dalawa ng dalawang ginto at isang pilak na medalya sa Standard Waltz at Standard Slow Foxtrot.

Hindi problema ang chemistry sa pagsasayaw dahil sila ay tunay na magkasintahan.

“You don’t have to fake it. It’s already there. I’m so proud na we’re together,” ani Renigen sa interview ng ABS-CBN News.

Apat na taon nang mag-partner ang dalawa sa loob at labas ng kanilang dance studio.

Nagpasalamat naman sina Gayon at Renigen sa suportang kanilang natanggap at malaking pribelihiyo sa kanila ang irepresent ang bansa.