Mag-jowa nagkatuluyan sa ‘wave emoji’

wave emoji to marriageViral ngayon sa social media ang love story nina Kate at Gian na nagsimula sa isang ‘wave emoji’ sa messenger.

Nagsimula ang kanilang kuwento nag magsend si Gian ng isang wave emoji sa messenger noong 2017.

“Trust me. May hiwaga sa loob ng emoji na WAVE,” caption ni Kate sa kanyang Facebook post.

Nang makausap sila ay nakabase si Gian sa Italy habang nasa Pilipinas naman si Kate, na hindi naman naging hadlang sa kanilang pag-iibigan.

Nagpasya magpakasal ang dalawa nitong Disyembre 2019.