Mag-ingat sa mga online scams — GSIS

Pinag-iingat ng Government Service Insurance System (GSIS) ang publiko laban sa na mga online scams na umiikot via internet sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Paalala ng GSIS sa mga miyembro nito at mga pensyonado na protektahan ang kanilang mga sarili maging ang kanilang mga account mula sa mga online scammers o sindikato na maaaring magsamantala ngayon may krisis.

Payo ng GSIS na iwasang ipagbigay alam ang personal ID number o PIN at one time password (OTP) sa sinumang manghihingi nito

Upang higit na makatulong, payo ng GSIS na basahin ang ‘Safe Surfing Guidelines’ mula sa GSIS partner bank, UnionBank of the Philippines https://www.unionbankph.com/privacy-security#4.

Para naman sa iba pang mahahalagang impormasyon, bisitahin ang GSIS website sa https://www.facebook.com/gsis.ph/.

Source: Jimmyley E. Guzman, Philippine Information Agency, GSIS, April 14, 2020