Mag-ingat sa COVID-19 text, email scams — BSP

Paalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na mag-ingat sa mga texts, emails o websites na may impormasyon tungkol sa COVID-19.

Ayon sa BSP, ang mga ito ay maaaring naglalaman ng mga phishing links o attachments na maaaring makuha at nakawin ang inyong mga personal financial/banking information.

BSP infographic

Paalala ng BSP na hindi ito kailanman manghihingi ng personal/financial information maging ang mga bangko, at iba pang financial institutions.

Para sa iba pang impormasyon , bisitahin lamang ang BSP website www.bsp.gov.ph, o ang kanilang official social media accounts: Facebook

https://www.facebook.com/BangkoSentralngPilipinas/, Twitter @BangkoSentral, Instagram BangkoSentral, o mag email sa consumeraffairs@bsp.gov.ph.

Source: Philippine Information Agency/Bangko Sentral ng Pilipinas