Mag-asawa nagbisikleta para makita ang anak na nahiwalay sa ECQ

Nagbisikleta ang mag-asawa simula Cavite hanggang Quezon City para makita ang nawalay nilang 3-anyos na anak.

Nawalay ang kaisa-isang anak na si Matt Matt sa kanyang mga magulang na sina Bernard at Mhelsa Romana ng nasa poder ito ng kanyang lolo at lola sa Quezon City ng ideklara ang enhanced community quarantine (ECQ).

Dahil sa modified na ang ECQ, maaari na silang makalabas ng Cavite matapos ang dalawang buwan.

Simula alas-kuwatro ng umaga ay nagbisikleta ang mag-asawa sa Bacoor, Cavite at nakarating sa Barangay Bagong Silang, Quezon City sa loob ng apat na oras.