Madonna nagkaroon ng COVID-19

Madoona Covid-19Inanunsiyo ni Madonna na naka-recover na siya sa coronavirus, na dahilan ng pagkansela ng concerts niya sa Paris nitong Pebrero at Marso.

Ayon sa singer, nagpositibo siya sa antibodies na nangangahulugang nagkaroon siya ng COVID-19, ngunit ngayon ay wala na siyang sakit.

Sa kanyang Instagram, sinabi nito na nagkasakit nga ito sa huling parte ng kanyang Paris tour, at inakala na isa lang itong flu.

Isang beses lang nakapag-show sa Paris ang ‘Queen of Pop’ sa Grand Rex dahil sa ‘ongoing injuries.’

Tuluyan ng nakansela ang dalawang huling concert niya ng nag-ban ang French authorities ng large gatherings para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 noong Marso.