Madonna may bagong boylet?

Naispatan si Madonna at ang 26-anyos na backup dancer na pinagsusupetsahang boyfriend nito habang nagrerelaks sa isang hotel balcony sa Miami.

Ahlamik Williams at Madonna

Sa naglabasang ulat at mga larawan, nakahawak sa katawan ni Madonna ang dancer na si Ahlamalik Williams at pinipisil-pisil umano si Madonna paitaas sa balikat nito.

Magkadikit ang katawan ng dalawa habang kasama rin nila ang 23-anyos na anak ni Madonna na si Lourdes.

Ilang beses nang nakitang kasama ni Madonna, 61-anyos, si Williams pero ito ang unang pagkakataon na nakitang very close na ang dancer sa singer.

Nakita rin si Williams na nagyoyosi habang nakahubad sa hotel balcony.

Si Williams ay nag-umpisang maging dancer ni Madonna noong 2015 pero nito lamang naging kapansin-pansin ang extra closeness nito sa singer na ilang beses nang nagkaroon ng relasyon sa mga lalaking halos kalahati lamang ng kanyang edad.