Macoy Dubs part time rider sa food delivery service

Binahagi ni social media personality Mark Averilla, o mas kilalang “Macoy Dubs” ng viral ‘Mean Girls’ Pinoy dubbed, na nag-apply siya sa food delivery service bilang part-time work.

Nitong Lunes, sinabi nito na nag-apply siya sa Food Panda at nasa proseso pa rin ito.

Macoy Dubs food panda

“I applied as Food Panda delivery-partner. Onboarding na lang!

Weekends ko lang ito gagawin bilang may full-time work ‘pag weekday. Kita-kits sa mga pinto ninyo.”

Makakapag-deliver lang siya during weekends dahil mayroon itong full-time work kapag weekdays.

Ayon sa kanyang LinkedIn profile, social media manager sa isang creative agency at part-time college instructor sa Colegio de San Juan Letran – Manila si Mark.