Mababang sahod #1 reklamo ng mga empleyado sa DOLE

Isinusulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagpapasahod sa bangko ng mga empleyado sa halip na gawin itong cash basis.

Sinabi ni Maria Consuelo Pacay, Department of Labor Relations Director na mas madaling maayos ang reklamo kung may basehan ang isang empleyado na nagrereklamo ng kulang sa sahod.

“Mahirap i-check kung tama ang ibinabayad lalo na kung hindi ito in a form of a payroll,” anang opisyal.

Naniniwala ang DOLE na kapag may maayos na dokumento na naglalaman ng sinasahod ng mga empleyado ay maiiwasan ang pang-abuso ng mga kumpanya dahil may record.

Gayunman ay may ilang empleyado ang mas pabor na gawing cash basis para umano mas madali nilang malaman kung may kulang sa ipinapasahod ang kanilang employer.

Sa ngayon sa pagsasaliksik ng BSP ay nasa 23% lamang ng mga may edad na 15 pataas ang may formal accounts sa mga bangko.

Nasa 18% naman ang tumatanggap ng kanilang sahod sa pamamagitan ng banko o e-money account.