Maagang umorder para sa abot-kayang pabulaklak sa Valentine’s Day kay Mahal

Tiyak na lolobo na naman ang presyo ng bulaklak dahil ilang araw na lamang ay gugunitain na ang ‘Valentine’s Day.’

Ang bulaklak ay isa sa pangunahing inireregalo tuwing ‘Araw ng mga Puso’ kaya naman mabilis na maubos ang suplay nito.

Valentine's Day flower store

Dahil nagkakaubusan ng suplay ang resulta ay sobrang taas na ng presyo nito kahit sa dinadayong bilihan ng bulaklak na Dangwa.

Kaya naman pinakamainam para masigurong swak sa ating bulsa ang budget sa bulaklak ay maagang umorder sa mga flower shop.

Sa ngayon ay nagkalat na ang bilihin ng mga bulaklak sa online na abot-kaya naman kung maagang makakaorder.

Katulad na lamang ng mga pabulaklak na iniaalok ng flowerstore.ph.

Napakarami nilang magagandang bulaklak na may panalong arrangement na talagang magpapangiti sa inyong mga mahal sa buhay sa darating na ‘Valentine’s Day.’

Magkano ba ang budget na inilalaan mo sa iyong mahal?

Kung mahigit P1,000 pasok na ito sa mga bonggang flower arrangement ng flowerstore.ph.

Pinakamababang halaga ng kanilang bulaklak ay ang tinawag nilang ‘Soul Full of Sunshine Bundle’ at ‘Love’s in the Air’ bundle na mabibili sa halagang P1,399. Patok ang bundle na ito dahil maliban sa bulaklak ay may kasama pa itong body spray na talagang magpapakilig sa iyong reregaluhan.

Pinakamahal namang flower bundle na mabibili sa flowerstore ay ang ‘Make Me Blush’ na pawang naggagandahang kumpol ng iba’t ibang kulay ng rosas; ‘Beautiful You’ at ‘Pink Valentine bundle’ na pawang mabibili sa halagang P2,499.