Maagang pamasko: Duterte namudmod ng tig-P1M kina Yulo, Obiena, Petecio

Carlos Ediel Yulo, Ernest John Obiena at Nesthy Petecio
Sina Carlos Ediel Yulo, Ernest John Obiena at Nesthy Petecio, Eumir Felix Marcial at Hidilyn Diaz.

Ngiting tagumpay ang mga nag-courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkules ng hapon sa Malacanang Park na gold medalists na sina Carlos Ediel Yulo, Ernest John Obiena at Nesthy Petecio kung saan nakatanggap sila ng tig-isang milyong pisong premyo.

Dahil sa tinanggap na premyo ay mistulang napaaga ang Pasko ng mga atletang Pinoy na namayagpag sa sinalihang kumpetisyon sa ibang bansa.

Hindi naman luhaan ang mga silver medalist na sina Eumir Felix Marcial at Hidilyn Diaz dahil tumanggap sila ng tig-kalahating milyong piso.