Inamin ni TV host-actor Luis Manzano sa kanyang asawa na nag-cheat siya noon.
Sa vlog ni Jessy Mendiola ginawa ni Luis ang pag-amin habang naglalaro ng “Never Have I Ever.”
“Good question,” saad ni Luis at pinakita ang sagot na “I Have.”
Nangyari daw ito noong high school at college siya. Tinanong ni Jessy kung nag-cheat ba siya nang tumanda siya sey ni Luis: “Wala. As an adult.” “Doon sa bagets ka, ano ‘yon?” dagdag na tanong ni Jessy.
“Dalawa silang dini-date ko nang sabay… Actually hindi ko maalala. Basta ang alam ko marami akong dini-date noon,” sagot ng aktor.
Inamin din ni Luis na may pagkakataon na pinili niya ang karelasyon kesa sa kaibigan. “I have.
‘Di ko pwedeng sabihin ang pangalan. Pero ang best friend ko is obviously si Anne (Curtis).
Parang a while back parang hindi niya gusto ‘yung dini-date ko na ‘yon, parang sabi niya ‘Manzano, as long as dini-date mo ‘yon ‘di tayo mag-uusap,'” sey ni Luis.
“Tapos ako nung time na ‘yon, may dini-date din siya. Sabi ko ‘di sige quits tayo, parang sabi ko you are not good for each other. Kung hindi kayo maghiwalay or stop seeing each other, hindi rin tayo mag-uusap. So may time na kami ni Anne ay hindi kami nag-uusap dahil hindi namin gusto ‘yung dini-date namin respectively,” dagdag niya.
Ikinasal si Jessy at Luis sa Batangas noong February 21, 2021 in a civil wedding.