Luane Dy nanganak na

Luane Dy baby boyIsang ganap na parents na sina celebrity couple Luane Dy at Carlo Gonzales.

Inanunsiyo ni Unang Hirit host Luane sa kanyang Instagram nitong May 2 na siya ay nanganak ng healthy baby boy.

“Anak, salamat sa ligayang iyong dala. Nawa’y hindi tayo mawalay hanggang sa aking pag tanda. Buong buhay kong pagmamahal sayo’y ipadarama. Masuklian lamang sa aki’y tunay mong halaga. Ikaw ang buhay ng aking buhay sinta. Tunay, mahal na mahal kita.”

Nag-post din si Carlo sa kanyang Instagram at aniya, ang anak ay kahulugan ng kanyang buhay.

“My legacy. My fervor. My entirety. My splendor. You are my life’s meaning. The purpose of my being. Like your name on my skin. I am with you thru thick and thin. I love you son.”

Inanunsiyo nila na ang pagbubuntis ni Luane noong December 31.