Love ni Maine kay Arjo ‘di maitago

Wala nang arte sa pakikipagrelasyon ang sumikat na ka-loveteam ni Kapuso star Alden Richards at tinaguriang Yaya Dub na si Maine Mendoza sa iniuugnay ditong Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Sa Instagram post ni Maine ay binati nito ang nagdiriwang ng kaarawan na si Arjo.

Ganito ang mensahe sa IG account ni Maine na mainedcm: happy birthday  at kalakip ang kanilang larawan habang hawak kamay.

Kinilig naman ang ilang follower na Maine at binati ang aktor sa kanyang kaarawan.