Lotto balik na ang bolahan sa GCQ, MGCQ areas

KINUMPIRMA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na tuloy na ang operasyon ng lotto sa mga lugar na idineklarang general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) simula bukas, Agosto 7.

Sa advisory ng PCSO kabilang sa mga magbabalik operasyon na laro sa PCSO at bentahan ng tiket ay ang sumusunod:

Lotto 6/42, Mega Lotto 6/45, Super Lotto 6/49, Grand Lotto 6/55, at Ultra Lotto 6/58.

Ang bentahan ng tiket ay mula alas 7 a.m. hanggang 8 p.m., habang gagawin naman ang regular na bolahan ng alas-9 ng gabi.

Samantala, sinabi ni PCSO general manager Royina Garma na ang palaro ng ahensya sa mga lugar na sakop ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ay nananatiling suspendido.

Maging ang small town lottery operations ay suspendido pa rin. Kabilang sa mga lugar na saklaw ng MECQ ay ang Metro Manila at mga karatig lalawigan katulad ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal hanggang sa Agosto 18.