Good news sa mga senior citizens na taga-Pasay City dahil binigyan sila ng pagkakataon na kumayod.
Ang positibong balita ay may kaugnayan sa pinirmahang kasunduan ng Manila International Airport Authority (MIAA),Department of Labor and Employment
(DOLE) at Ang Probinsyano party-list group na nagbibigay ng oportunidad sa mga lolo’t lola na taga-Pasay City na magtrabaho sa kabila ng kanilang edad.
“Through this project, we are giving our senior citizens the opportunity to still maximize their productivity, mingle again with people in a regular work environment and their families,” paliwanag ni Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano.
Base sa kasunduan, tatayong usher ang mga senior citizen sa loob ng 15 araw, tatlong oras sa umaga at tatlong oras din sa hapon.
Bagama’t limitadong oras ang pagtatrabaho ay tatanggap ang senior citizen ng minimum wage na P537.
Ikukunsidera rin ang health condition at fitness to work ng mga nasa edad 60 hanggang 70-anyos na residente ng Pasay bago pahintulutang magtrabaho.