Local transmission: ‘Pinas may 5 kaso na ng coronavirus — WHO

CoVid-19 WHOKinumpirma ng World Health Organization (WHO) ang panlimang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa Pilipinas.

Ang kaso ayon pa sa WHO kung saan isang 62-anyos na lalaki ang sangkot ay ikinukunsiderang “local transmission,” ayon sa WHO kahapon.

Inilalarawan ang local transmission sa pamamagitan ng pagkakahawa ng virus sa isang local geographical setting.

Ayon kay WHO country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, matatawag nang local transmission ang panlimang kaso ng new coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Kaugnay nito ay nilinaw ng opisyal ng WHO na magkaiba ang local transmission sa tinatawag na community transmission.

“Even the fifth case is a local transmission, but getting another case in a very close contact does not mean widespread transmission,” paliwanag nito.

Ang panlimang nakumpirmang kaso ay isang 62-anyos na Pilipino na may hypertension at diabetes, at madalas na bumibisita sa Muslim prayer hall sa San Juan.

Nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi pa nakakabiyahe sa ibang bansa at nagpa-admit sa ospital noong Marso 1 ang biktima dahil sa malubhang pneumonia.

Ang isa pang kaso ay isang Pinoy na pumunta sa Japan noong Pebrero 25 at nakaranas ng lagnat noong Marso 3 pagbalik sa Pilipinas.