Liza Soberano palaban na sa mga isyu!

May natutunan ang Kapamilya aktres na si Liza Soberano sa rape comment na inabot nya sa staff ng isang telco.

Ayon kay Liza, dati ang alam nya kapag artista ay hindi ka dapat patola.

Dapat aniya ay umiiwas sa lahat ng isyu.

Tungkol sa career lamang ang maari mong ibahagi sa publiko.

Ang pelikula at kung anu-anong proyekto mo.

Natatakot aniya siya na baka husgahan sya ng tao dahil isa lamang siyang isang artista.

Pero dahil sa nangyari aniyang rape comment ay natuto siyang magsalita at ipaglaban ang alam niyang tama.