Liza Soberano naiyak sa balitang buntis daw si Julia

Isa ang Kapamilya star na si Liza Soberano sa nag-react sa pasabog ng isang beteranong broadcaster na buntis diumano si Julia Barretto sa aktor na si Gerald Anderson.

Kasunod kasi ng anunsyo ni Sonza sa kanyang FB page ng balita ay kinarga ito ng iba’t ibang online news site kaya naglabas agad ng pahayag si Julia sa kanyang Instagram account at sinabing ‘fake news’ ang isyu.

Isa si Liza sa unang nag-react sa showbiz at mga naiiyak na emoji ang kanyang reaksyon.

Sinundan na ito ng iba pang celebrity na nagpahayag ng suporta sa dalaga nina Marjorie at Dennis Padilla.