Liza Soberano nagpundar ng bahay, condo at 2 car bago nakipagrelasyon kay Enrique Gil

Inamin ni Ogie Diaz, tumatayong talent manager ng Kapamilya star na si Liza Soberano na totoong may kasunduan sila ng alaga bago ito pumasok sa isang relasyon.

Ito ang inamin ng talent manager sa Tonight with Boy Abunda sa ABS-CBN nang mag-guest kagabi para i-promote ang pinroduce nitong pelikulang ‘Two Love You’.

Sabi ni Ogie, umamin si Liza sa relasyon kay Enrique dahil natupad na nito ang habilin na magpundar muna para sa sarili at pamilya.

Kabilang sa napagkasunduan nina Ogie at Liza ay dapat magkaroon ng bahay, condo unit at dalawang sasakyan ang aktres na alaga bago pumasok sa isang relasyon para maging handa anuman ang kahihinatnan ng kanyang pakikipagrelasyon.

Ang kasunduang ito aniya ay natupad ni Liza na may sariling bahay, condo at dalawa ng sasakyan kaya tsupi na siya sa lovelife ng alaga.

Kamakailan lamang ay nag-celebrate ng anibersaryo ang magkasintahang sina Liza at Enrique ay limang taon ng magkarelasyon.