Liza Soberano nag-ala Blackpink sa new vlog

Sa latest vlog ni Kapamilya actress Liza Soberano, nagmistulang K-pop star ito ng gayahin niya ang look ni Blackpink member Jennie Kim.

Pinakita niya ang transformation niya, sa pag-aapply ng makeup at pagsusuot ng wig para maachieve ang look ni Jennie sa poster nito sa ‘How You Like That’ single ng grupo.

Inamin din ni Liza sa vlog na mas madalas siyang manuod ng K-pop videos kaysa makeup tutorials.

Napanood ng aktres ang Blackpink na mag-perform sa Coachella music festival last year, at bumibiyahe ng ibang bansa para manuod ng concert ng boy band BTS.