Liza Soberano may YouTube channel na

Pinasok na rin ni Kapamilya actress Liza Soberano ang vlogging sa pag-launch niya ng YouTube channel na ‘Life with Liza.’

Inanunsiyo ng 22-year-old actress ang kanyang new venture sa Instagram with a ‘awkward’ introduction video.

Kahit wala pang content ang channel ni Liza ay umani na ito ng 28,000 subscribers.

Hindi ito first time ni Liza sa pagvvlog dahil ilang beses na itong nag-appear sa vlogs ng kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

Ilan sa mga aktres na nag-launch na rin ng YouTube channel ay sina Kathryn Bernardo at Julia Barretto.