Liza Soberano, Ivana Alawi nominado sa ‘100 most beautiful faces’

Nominado sina Kapamilya stars Liza Soberano at Ivana Alawi sa ‘100 Most Beautiful Faces of 2020’ ng UK-based TC Candler.

Ito ang unang beses na ma-nominate ni Ivana sa annual ranking ng British Independent critic.

Ivana Liza Most Beautiful Faces 2020

Habang si Liza naman ay limang beses ng nakapasok sa listahan, at nanguna pa noong 2017.

Si Liza at Jessy Mendiola lang ang Pinoy na nakapasok sa official list noong nakaraang taon.

Ilan sa mga nominado ngayong taon ay sina Lisa at Rosé ng Blacpink, Nancy ng Momoland, Irene ng Red Velvet, Chaeryeong ng Itzy, Taylor Swift, Selena Gomez at Gal Gadot.